37 bloke ng cocaine natagpuan sa Dinagat Islands

Aabot sa 37 bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa karagatan sa Cagdianao, Dinagat Islands.

Ayon sa ulat mula sa Police Regional Office 13, ang mga bloke ng cocaine at natagpuang palutang-lutang ng isang mangingisda sa Sitio Habongan sa Barangay Poblacion.

Dinala na sa Crime Laboratory Office ng PRO-13 ang mga nasabat na cocaine para sa pagsusuri.

Magugunitang noong nakaraang linggo may nakita ring bloke ng cocaine na palutang sa karagatan sa Vinzons Camarines Norte.

Read more...