Ayon sa World Health Organization (WHO) ang nasabing datos ay naitala mula lamang noong buwan ng Oktubre hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ng WHO na sa kabila ito ng pagpapatupad ng emergency vaccination program sa lugar.
Sa ngayon ayon sa WHO, mayroong 66,000 na kaso ng tigdas sa Madagascar.
Ang Madagascar ay kabilang sa mahihirap na bansa sa Africa at noong 2017, 58 percent lang ng populasyon nito ang nabakunahan kontra tigdas.
Sa ngayon, nakapagbakuna na ng 2.2 million na katao sa Madagascar.
Kabilang sa binigyan ng bakuna ang dati nang tumanggap ng isang shot ng anti-measles vaccine.
MOST READ
LATEST STORIES