Alone/Together nina LizQuen kumita ng halos P62M sa loob ng 2-araw

Sa loob lang ng dalawang araw tumabo sa takilya ang pelikulang ‘Alone/Together’ nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa update mula sa producer ng pelikula na Black Sheep, umabot na sa P61.9 million ang kinita ng pelikula.

Kahapon araw ng mga puso dumagsa ang mga manonood sa mga sinehan.

Noong unang araw ng pelikula ay P21.6 million na agad ang kinita ng Alone/Together.

At mas malaki pa ang kinita sa ikalawang araw ng showing nito.

Ang pelikula ay isang love story ng dalawang college sweethearts na ginampanan ni Liza bilang si Christine, at si Enrique bilang si Raf.

Read more...