PUBLIC SERVICE: Power service interruption ng Meralco ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Bulacan, Cavite at Quezon City.

Sa bayan ng San Rafael sa Bulacan, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Barangay Pasong Intsik.

Ito ay dahil sa isasagawang line reconductoring work at paglalagay ng dagdag na lightning protection sa lugar.

Mula alas 9:30 ng umaga naman hanggang alas 2:30 ng hapon mawawalan ng kuryente ang Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite.

Mapapalit naman ng nabubulok nang mga poste sa naturang barangay.

Samantala, sa Quezon City, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay mawawalan naman ng kuryente ang bahagi ng Barangay Kaligayahan sa Novaliches.

Read more...