Ayon kay Darij Krajcic na miyembro ng parliament for the Marjan Sarec List party, inilabas niya sa supermarket ang sandwich nang hindi nababayaran.
Nainis umano kasi siya sa counter ng tindahan dahil tatlong minuto na siyang nakatayo at hindi siya nito pinapansin.
Mistulang hindi umano siya nakikita ng nakaduty na cashier at ayaw siyang pansinin.
Dahil dito, lumabas sya ng supermarket nang hindi nagbabayad.
Humingi naman ng paumanhin ang mambabatas sa kaniyang ginawa at saka inanunsyo ang pagbibitiw niya sa pwesto.
MOST READ
LATEST STORIES