Ayon kay DOH-Region 4-A Director Eduardo Janairo, ito ay bilang suporta sa massive immunization drive ng pamahalaan.
Plano rin ng DOH na bumuo ng vaccination centers sa labas ng mga simbahan sa CALABARZON.
Ani Janairo, hinimok na nila ang religious leaders na hikayatin sa loob ng mga misa at religious activities ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.
Sa pinakahuling tala noong Lunes, umabot na sa 1,434 ang bilang ng tinamaan ng tigdas sa CALABARZON.
MOST READ
LATEST STORIES