Russian war plane pinabagsak ng Turkish fighter jets

russian warplane
Video grab mula sa Haberturk TV/INQUIRER.NET

Isang Russian warplane ang pinabagsak ng mga Turkish fighter jet na namataan sa border ng Syria at pumasok umano sa airspace ng Turkey ngayong Martes, November 24.

Sampung beses na binalaan ng Turkey ang nasabing Russian warplane na huwag pumasok sa kanilang airspace ngunit hindi ito pinansin.

Nabatid na isang SU-24 Russian-made ang naturang warplane na ayon sa Russia, artillery fire ng Turkey ang nagpabagsak dito.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Turkish military, pumasok sa kanilang airspace ang naturang eroplano sa ibabaw ng Yayladagi town sa probinsya ng Hatay.

Batay sa ulat ng monitoring group ng Syrian Observatory for Human Rights, bumagsak ang naturang warplane sa mabundok na lugar sa probinsya ng Latakia.

Ilang video footage ang inilabas ng Turkish news agency na Haberturk TV kung saan makikita na umaapoy ang Russian warplane habang pabagsak sa Turkmen Mountain.

Nakita rin sa naturang footage ang dalawang piloto na nag-parachute palabas ng warplane bago ito tuluyang bumagsak.

Mariing itinanggi naman ng Russia na pumasok sa Turkish airspace ang kanilang eroplano.

Read more...