Hiling ng isang US Senator na makilahok sa usapin ng EDCA, ibinasura ng Korte Suprema

supreme-court
Inquirer file photo

Hindi pinaboran ng Kataas-taasang Hukuman ang hiling ni dating US Senator Mike Gravel na makalahok sa usapin ng legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Iyan ay makaraang ibasura ng Korte Suprema ang Motion for Intervention ni Gravel dahil sa kawalan ng ligal interes sa usapin.

Nabatid na nakasaad sa mosyon ni Gravel na anuman ang magiging pasya ng Korte ay hindi naman siya maaapektuhan nito bagay na inamin mismo ng senador sa kanyang petisyon.

Nakasaad din sa petisyon ni Gravel na dapat ideklarang hindi naayon sa Saligang Batas ang EDCA o kaya naman ay ibalik ito ng Korte Suprema sa Senado ng Pilipinas para mabusisi.

Samantala, hawak na ng Korte Suprema ang kopya ng Senate Resolution number 105 ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na nagbibigay diin na isang treaty ang EDCA at narapat lang itong dumaan, mabusisi at maaprubahan ng Senado.

Read more...