Lalaki arestado matapos makuhanan ng marijuana sa QC

Contributed photo

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng marijuana sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Nagsasagawa lamang ng Oplan Sita ang mga awtoridad sa may Samonte corner Villa Beatriz streets nang makitang walang helmet ang suspek na si Johnny Echavez, 25 anyos.

Dito na nakuha ng mga pulis sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang marijuana.

Aminado si Echavez na kanya ang mga marijuana at gumagamit siya nito.

Nagkakahalaga ng P200 ang droga na nakuha mula sa suspek.

Mahaharap ito sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...