Duterte sa ispekulasyon ni Tatad sa kanyang kalusugan: ‘Sampalin kita!’

Maanghang ang birada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Senador Francisco ‘Kit’ Tatad dahil sa mga ispekulasyon nito sa kanyang kalusugan.

Sa kanyang talumpati sa kick-off rally ng senatorial candidates ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan, binatikos ng presidente si Tatad sa pagpapakalat ng tsismis na sumailalim siya sa kidney transplant.

Babala ni Duterte, iwasan siya ng dating senador dahil sasampalin niya ito.

Giit pa ng presidente, iba ang kalayaan sa pamamahayag sa pambabastos ng tao.

“There’s a border between press freedom and pag-babastos ng tao. Pag una kitang makita, iwasan mo ako. P******-ina, sampalin kita,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na si Tatad ay may sakit na diabetes at wala na itong kakayahang makipagtalik,

Noong 2017, sinabi ni Tatad sa kanyang column sa isang pahayagan na sumailalim ang presidente sa peritoneal dialysis na isang treatment sa isang kidney disorder.

Read more...