Duterte, nag-sorry kay Alvarez sa pagkatanggal bilang Speaker

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na humingi siya ng paumanhin kay Rep. Pantaleon Alvarez dahil  napatalsik itong House Speaker.

Matatandaan na bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo ay pinalitan si Alvarez ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang pinuno ng Kamara.

Una nang inamin ng Pangulo na ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Alvarez.

“Alam mo kaibigan talaga kami ni Speaker (Alvarez) noon pa. I am very sorry that it had to happen…Ako gusto ko anti-dynasty pero hindi ko talaga kaya si Inday sa totoo lang. Away lang. Siya nagdi-dictate eh. Nakita siya na matanda  na ako. Nagkagulo pati partido,” pahayag ni Duterte sa inisyal na campaign rally of PDP-Laban sa Bulacan.

Ilang buwan matapos matanggal si Alvarez ay ibinunyag ng Pangulo na si Inday Sara ang may pakana nito.

Nagalit anya ang alkade sa sinabi ni Alvarez na pwede niyang ipa-impeach ang Pangulo.

Read more...