Winwyn Marquez at Mark Herras, hiwalay na

Makalipas ang mahigit dalawang taong relasyon, naghiwalay na sina 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez at aktor na si Mark Herras.

Ayon kay Winwyn, mutual ang desisyon nila ni Mark na maghiwalay na.

Sa press conference ng kanyang pelikula na “Time & Again,” inamin ng aktres na ngayong Valentine’s Day ay single na uli siya ngayon.

Naghiwalay anya sila ni Mark ng maayos.

Paliwanag ni Winwyn, mas mahalaga sa kanila ni Mark ang kanilang mga careers.

Nilinaw naman ng dalaga na walang third party na sangkot sa breakup.

Nag-uusap pa rin naman anya sila ni Mark kahit naghiwalay na sila.

Read more...