LOOK: Duterte at ilang gabinete, nanood ng concert ni Sergio Mendes sa Valentine’s Day

Palace photo

Nanood si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng gabinete ng concert ng Brazilian musician na si Sergio Mendes gabi ng Valentine’s Day sa Solaire Resort and Casino.

Dumalo ang Pangulo sa concert matapos pangunahan ang proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Senate candidates sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Palace photo

Nag-enjoy si Duterte sa performance ni Mendes kasama ang partner na si Honeylet Avanceña at mga kalihim.

Kasama ng Pangulo sa concert sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Communications Secretary Martin Andanar, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Budget Secretary Benjamin Diokno, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Public Works Secretary Mark Villar at Health Secretary Francisco Duque III.

Palace photo

Kasama ng mga kalihim ang kani-kanilang mga asawa.

Read more...