Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ako Bisdak 2nd nominee Rommel Gavieta na nais nilang magdagdag ng trabaho para hindi na lumuwas ang mga residente patungong Maynila.
Ito kasi aniya ang nagiging sistema ng mga Bisaya para makahanap ng trabaho dahil sa kakulangan ng oportunidad sa rehiyon.
Dahil dito, ibinahagi ni Retired Rear Admiral Ernesto “Eboy” Enriquez, secretary general ng partylist, na nagkakahiwa-hiwalay ang mga pamilya para kumayod sa bahagi ng Luzon.
Malaki aniya ang potensyal ng buong Visayas ngunit nakalulungkot na kulang ang oportunidad sa rehiyon.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Gavieta:
MOST READ
LATEST STORIES