Muling na-reset sa huling buwan ng Pebrero ang groundbreaking para sa Mega Manila Subway project ayon sa advisory ng Department of Transportation.
Sa panayam, sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade na gagawin sa February 26 ang nasabing seremonya kasunod ng pagpunta niya sa Japan para sa negosasyon sa nasabing rail system.
Nauna nang naikalendaryo ang groundbreaking ceremony sa huling linggo ng December, 2018 pero ito ay hindi natuloy hanggang sa muli itong napaulat na gagawin sa kalagitnaan naman ng buwan ng Enero, 2019.
Ang nasabing ¥104.530 Billion o P51 Billion project ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Nilinaw naman ni Tugade na ang dahilan ng delayed ng grounbreaking ay ang busy schedule ng mga JICA officials.
Nakapaloob sa 30-kilometer project ang pagtatayo ng14 train stations mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.
Kapag natapos ang proyekto sa 2025 ay magiging 40 minuto na lamang ang byahe mula sa Quezon City patungo sa NAIA.