Dahil dito, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa isang panayam na nagpadala ng notice ang Comelec sa mga kandidatong natagpuang mayroong illegal posters.
Binigyan ang mga kandidato ng tatlong araw para baklasin ang mga illegal poster.
Ayon kay Guanzon, namataan ng election officers ang paglabag sa laki nito at paglalag sa mga hindi otorisadong lugar.
Aniya, paulit-ulit nang binalaan ang mga kandidato na tanggalin na ang illegal posters.
Sinabi pa ni Guanzon na hindi maaaring itanggi o igiit ng mga kandidato na lumang larawan na ito.
Noong Martes ay nagsimula na ang kampanya para sa mga kandidato sa pagka-senador at partylist representatives.