Cotabato City, Maguindanao niyanig ng 4.1 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Cotabato City sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 50 kilometers Southwest ng Cotabato City, 10:37 umaga ng Huwebes, February 14.

May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang intensity III sa Cotabato City; Kalamansig, and Lebak, Sultan Kudarat at instrumental intensity I sa Zamboanga City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks.

Read more...