Sisimulan na bukas ang full-blast na konstruksyon ng PNR Clark Phase 1.
Ang naturang proyekto ang magdudugtong sa Tutuban, Maynila at Malolos sa Bulacan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) sa sandaling matapos ang Phase 1 ng PNR Clark project sa taong 2021 ay mas magiging mabilis at maginhawa na ang biyahe mula at patungong Bulacan dahil ang kasalukuyang travel time na 1 at kalahating oras at magiging 35 minuto na lang.
Inaasahang nasa 340,000 na pasahero ang kayang serbisyuhan nito araw-araw.
Ang ang Tutuban to Malolos ay ang unang bahagi ng PNR Clark Project na kalaunan ay aabot hanggang Clark, Pampanga.
MOST READ
LATEST STORIES