WATCH: 263 na pamilya sa Tacloban, Leyte nabiyayaan ng bahay sa Pope Village

Courtesy of Edwin Gariguez/Caritas Philippines

Mahigit limang taon matapos manalasa ang super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas, mahigit 200 pamilya ang napagkalooban ng bahay sa Tacloban, Leyte.

Ang 263 na mga bagong bahay ay bahagi ng Pope Francis Village na pabahay ng Simbahang Katolika.

May kabuuang 566 na housing units ang Pope Village at inaasahang makukumpleto ang lahat ng ito sa June 2019.

Narito ang ulat ni Rhommel Balasbas:

Read more...