PNP-HPG namigay ng rosas ngayong Valentine’s Day

INQUIRER.net Photo | Daphne Galvez

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, namigay ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ng mga rosas sa mga commuter at motorista.

30 miyembro ng PNP-HPG ang idineploy sa mga pangunahing lansangan gaya ng Ortigas ilalim Bus Stop, Megamall Bus Terminal at sa entrance ng La Salle Greenhills.

Bukod sa pamimigay ng bulaklak, namigay rin sila ng mga flyers na may nakasaad na mga paalala hinggil sa road safety.

Sinabi ni HPG Deputy for Administration Senior Superintendent Marvin Pepino na ang aktibidad na ito ay layong mapalapit ang mga kapulisan sa komunidad.

Read more...