US Embassy sa Pilipinas, sarado sa Lunes, Feb. 18

Sarado sa Lunes, February 18, 2019 ang embahada ng Amerika sa Pilipinas.

Sa abiso ng US Embassy sa Maynila, wala silang operasyon para sa nasabing petsa.

Ito ay dahil ginugunita ang President’s Day sa Feb. 18 na isang American holiday.

Nakasaad sa abiso na sa Martes, Feb. 19 ay babalik sa normal ang operasyon ng embahada.

Read more...