Unang 10,000 na pasahero may free-ride sa MRT-3 ngayong Valentine’s Day

Kuha ni Jong Manlapaz

Nag-alok ng libreng single-journey tickets ang isang kumpanya para sa mga pasahero ng MRT-3 ngayong araw.

Katuwang ang pamunuan ng MRT-3 nagbigay ang kumpanyang Hallmark ng libreng single-journey tickets.

Ito ay para sa unang 10,000 mga pasahero sa MRT-3 Cubao station.

Ayon sa kumpanya, mapa-single, may-asawa, may-karelasyon, o anuman ang status ng love life ay mabibigyan ng libreng MRT tickets basta’t pasok sa unang 10,000 pasahero.

Read more...