Sinampahan na ng kaso ng US prosecutors ang isang dating US Air Force officer dahil sa pagiging espiya nito ng Iran.
Taong 2013 ay umalis patungong Iran si Monica Witt upang magtrabaho doon bilang US counterintelligence officer.
Mga kapwa intel officers umano ni Witt ang tinarget niya sa ginawang pag-espiya.
Kasama ring sinampahan ng kaso ang apat na Iranian citizens na nagtangkang mag-install ng spy software sa mga computer na pag-aari ng mga kasamahan ni Witt sa trabaho.
Si Witt ay nanilbihan sa Air Force ng US mula 1997 hanggang 2008.
READ NEXT
Guilty verdict sa Mexican drug cartel member malaking tulong sa war on drugs ng Pilipinas – Malakanyang
MOST READ
LATEST STORIES