Guilty verdict sa Mexican drug cartel member malaking tulong sa war on drugs ng Pilipinas – Malakanyang

INQUIRER.net Photo | TETCH TORRES-TUPAS

Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang naging hatol ng Makati court na guilty sa kasong drug trafficking ni Horacio Hernandez Herrera na miyembro ng Mexican drug cartel na Sinaloa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaking tulong ito para maibsan ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Makailang beses na rin aniyang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapasok na sa Pilipinas ang notorious na drug cartel.

Sinabi pa ni Panelo na sampal rin sa mga kritiko ang hatol ng korte kay Herrera na pinaniniwalaang may mataas na panunungkulan sa Sinaloa drug cartel.

Ayon kay Panelo bagaman itinuturing ng Palasyo na tagumpay sa anti-drug campaign ng administrasyon ang hatol kay Herrera dapat din anya itong maging babala sa international syndicates na walang sasantuhin ang administrasyon sa paglaban sa naturang problema.

Hindi kasi anya papayag ang pangulo na bumaha ang droga sa Pilipinas.

Read more...