Mayor Baldo, balik-trabaho matapos magpiyansa

Balik-trabaho na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos magpiyansa at pansamantalang makalaya sa kasong kaugnay ng pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Noong Martes ay naglagak si Baldo ng piyansang P3 milyon at araw ng Miyerkules ay naglabas ang korte ng release order para sa Alkalde na nakulong sa Legazpi City Police Station.

Hinarap ng Baldo ang mga empleyado at taga-suporta sa Daraga Municipal Hall.

Mainit ang pagtanggap ng mga kaibigan at supporters sa opisyal na anila ay inosente sa krimen at hindi pa pinal na nahatulan ng korte.

Una nang sinabi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na iginagalang nila ang pagpayag ng korte na magpiyansa si Baldo pero tuloy pa rin umano ang kaso laban dito.

Read more...