WATCH: Trailer ng Frozen 2 inilabas na

Disney photo

Inilabas na ng Disney ang unang trailer ng Frozen 2.

Ang naturang pelikula ay ang sequel ng Frozen noong 2013 na itinanghal na highest-grossing animated film of all time.

Sa trailer na inilabas, makikita kung paano sinubukang harapin ni Elsa ang naglalakihang alon.

Mahihinuha rin na nasa isang adventure si Elsa, ang karakter na binosesan ni Idina Menzel, kanyang kapatid na si Anna at ang kanilang mga kaibigang sina Olaf the snowman at si Kristoff.

Bukod sa nasa panahon ng autumn ang kingdom of Arendelle ay palaisipan pa rin kung saan at ano ang misyon ng mga karakter na posibleng maintindihan lamang sa actual trailer.

Ipinakita rin ang ilang mga bagong karakter na aabangan sa pelikula.

Sina Jennifer Lee at Chris Buck pa rin ang directors ng Frozen II kasama ang songwriters na sina Kristen Anderson at Robert Lopez.

Inaasahang ipalalabas ang Frozen 2 sa Nobyembre.

Read more...