Enrile, 95 anyos na ngayong Valentine’s Day

Kasabay ng selebrasyon ng araw ng mga puso o Valentine’s Day ay ipinagdiriwang ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang kanyang ika-95 kaarawan.

Sa kick-off ng kampanya kasama ang United Nationalist Alliance (UNA) candidates, iginiit ni Enrile na sa edad niyang 95-anyos ay kaya niya pang makasabay sa demand ng campaign rallies.

Si Enrile ang pinakamatandang kandidato sa pagka-Senador sa Mayo.

Sa isang panayam, sinabi ni Enrile na kaya niya pang maglakad ng dalawang kilometro araw-araw.

Iginiit din ng dating senate president na lumalangoy pa siya sa kanyang hometown sa Cagayan kahit malakas ang alon para mapanatili ang maayos niyang pangangatawan.

Sa kanya namang food diet ay sinabi ni Enrile na ang kanyang sikreto ay ang regular na pagkain ng saluyot.

Tumigil na rin umano siya sa pagsisigarilyo at paunti-unti na lang ang kanyang pag-inom ng alak.

Nakapagsilbi sa gobyerno si Enrile sa loob ng 50 taon.

Read more...