SWS: Mga Pilipino, hati sa isyu ng age gap sa relasyon

Hati ang mga Pilipino sa usapin ng relasyon na may age gap o may agwat ang edad ng mag-partner.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, 50 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na isyu ang age gap sa relasyon habang 41 percent ang nagsabi na hindi at ang natitirang 9 percent ay undecided.

Ayon sa SWS, ang opinyon ukol sa agwat ng edad ng mag-asawa o magkasintahan ay hindi gaanong nagka-iba sa mga lalaki at babae.

Lumabas din sa survey na naniniwala ang mga lalaking may edad 55 anyos pataas na dapat ikunsidera ang age gap o 54 percent kumpara sa 38 percent na nagsabi na hindi.

Para naman sa mga kababaihan, marami sa mas batang edad ang naniniwala na isyu ang age gap.

Read more...