Pinalagan ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang pang-mamaliit ni Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Romualdez, nakakalungkot na ganoon na lamang ang pahayag ni Presidente Aquino gayung totoo namang may mga nabibiktima ng tanim-bala.
Hindi rin aniya tama na sisihin ni Pnoy ang media sa umano’y pag-sensationalize sa tanim-bala modus.
Sa katunayan, ani Romualdez, ang kontrobersiya ay nagbibigay na ng kahihiyan sa buong Pilipinas dahil kumalat na ang usapin sa ibang bansa.
Dagdag ng Kongresista, mula noong may report na ng tanim-bala, dapat ay may ginawa nang aksyon ang pamahalaan gaya ng pagsibak sa mga sangkot na airport personnel.
Samantala, pinayuhan ni Romualdez ang mga kaukulanga ahensya na tiyaking “tanim-bala free” na ang NAIA sa holiday season.