CAAP nagpalabas na Notice to Airmen dahil sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon

Kanlaon 1124 via Phivolcs 2
Mula sa Phivolcs

Nagpalabas na ng Notice to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos na mag-abiso ang Phivolcs at ilagay sa Alert Level 1 ang Mt. Kanlaon.

Sa ipinalabas na NOTAM, pinapayuhan ang lahat ng mga flights na nag-ooperate sa bisinidad ng bulkan na iwasan muna ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa peligro na maaring maidulot nito sa eroplano

Maaring maging sanhi umano ng hazzard o peligro ang biglaan mga phreatic eruption ng bulkan sa mga dadaang eroplano.

Ang NOTAM ng CAAP ay epektibo alas 11:29, Martes ng umaga, hanggang bukas Nov 25, ala 1:00 ng hapon.

Nauna ng nag-abiso ang Phivolcs sa abnormal na kondisyon ng Mt. Kanlaon at may mga namomonitor na period of unrest matapos na magbuga ng abo kagabi.

Hanggang ngayong araw ay patuloy sa pagbubugay ng puting plume ang bulkan kaya itinaas na ng Phivolcs ang alert level 1.

Read more...