Lalaki, patay matapos manlaban sa aarestong mga pulis sa Quezon

Quezon Provincial Police Office photo

Nauwi sa engkwentro ang dapat sana ay pagsisilbi lamang ng arrest warrant laban sa isang suspek sa Brgy. Bantilan, Infanta, Quezon araw ng Miyerkules.

Nagsagawa ng operasyon ang Infanta at General Nakar Police laban kay Jeffrey Jonno Astrera na nahaharap sa mga kasong robbery at R.A 9262 o Violence Against Women and Children.

Nang aarestuhin na si Astrera ay binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis dahilan para matamaan sa kaliwang hita si PO3 Jerry Moises.

Matapos nito sinubukang tumakas ng suspek at gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa suspek ang kalibre .38 na baril at mga bala.

Read more...