Ayon kay Ecowaste national coordinator Aileen Lucero, dapat gumamit ang kanidato ng recyclable materials.
Dapat anyang tama ang sukat ng campaign materials at ilagay ang mga ito sa tamang lugar at hindi sa puno.
Sa ilalim ng batas, obligado ang kandidato na tanggalin ang kanyang campaign materials limang araw matapos ang eleksyon.
Bukod sa pagsunod sa mga alituntunin ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ng grupo na dapat ay responsable ang kandidato ukol sa solid waste.
Kung bawal anya ang plastic o styrofoam sa lugar ng kampanya ay dapat na iwasan ang paggamit ng mga ito.
Giit ni Lucero, ang kampanya ay hindi panahon para magkalat kundi para magsilbing modelo ang kandidato na nag-aalaga ng kalikasan.