27 arestado sa buy bust operations sa QC

File photo

Arestado ang 27 katao sa magkahiwalay na buy bust operations na isinagawa ng Batasan Police Station sa dalawang barangay sa Quezon City.

Siyam na drug suspects ang hinuli sa anti-drug operation sa Barangay Payatas.

Unang naaresto ang target ng operasyon na si Mark Egos, 36 anyos, matapos ang transaksyon sa droga.

Naaresto rin ang nakababatang kapatid ni Egos na si Teodorico na naaktuhan umanong bumabatak ng shabu kasama ang pitong iba pa.

Nakuha sa mga suspek ang 14 sachet ng shabu at sachet na naglalaman ng marijuana gayundin ang drug paraphernalia kabilang ang foil na may trace ng shabu.

Inamin ng nakatatandang Egos na user siya pero hindi umano siya tulak ng droga habang ang kapatid nito ay itinanggi ang paggamit at pagtutulak ng droga.

Samantala, 14 na suspek ang sunod na naaresto sa pot session sa parehong barangay. Karamihan sa mga ito ay basurero at driver ng trak ng basura.

Apat pang suspek ang hinuli sa isa pang buy bust operation sa Barangay Old Balara.

Kuha sa CCTV ang mga target ng operasyon na sina Ronald Madaga at Enrique Rivero sa gitna ng transakyon sa droga.

Read more...