Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, posibleng pagsamantalahan ng mga criminal group ang pagdagsa ng tao sa mga pampublikong lugar.
Sinabi pa ng PNP na magtatalaga ng karagdagang pulis sa mga lugar na patok tuwing Valentine’s day tulad ng mga restaurant, mall, amusement park at iba pa.
Ayon pa sa PNP, mayroong iba’t ibang paraan o istilo sa pagnanakaw ang mga criminal group tulad ng Laslas Bag/Pocket Gang, Pitas Tactics, Salisi Modus, Credit Card Scam o Baraha Gang, Bukas Kotse Modus at Ipit-Taxi Modus.
Dagdag pa ng pulisya, iwasang mag-post sa social media kung aalis ng bahay para hindi malusutan ng “akyat-bahay” group.
MOST READ
LATEST STORIES