4 drug suspects, patay sa buy-bust operations sa Bulacan

Patay ang apat na drug suspect sa ikinasang buy-bust operations sa Bulacan, araw ng Miyerkules.

Sa Malolos, napatay ang suspek na si Jimmy Carating alyas “Jumong” matapos pumalag na maaresto at magpaputok ng baril sa pulisya bandang 1:30 ng madaling-araw.

Matapos ang tatlong oras, patay naman ang drug suspect na si Rainer Sumcad sa bahagi ng Meycauayan.

Sa kaparehong araw, nasawi rin sina Buboy Mabulay at Dennis Noble sa shootout sa San Jose Del Monte.

Nakuha sa dalawa ang mga ilegal na droga at tatlog kalibre .38 na revolver.

Read more...