Ayon kay DENR spokesperson at Undersecretary for Soil Waste Management Benny Antiporda, walang ibang hangarin ang proyekto kung hindi makapagbigay ng benepisyo sa publiko at kalikasan.
Sinabi kasi ni Tañada na dapat itigil ang aksyon ng gobyerno sa Manila Bay dahil lalo lang aniyng madaragdagan ang utang ng Pilipinas.
Giit naman ni Antiporda, hindi magandang pagpaplano ang naging ugat ng pagkalubog sa utang at kahirapan ng ibang bansa sa rehab projects.
Napatunayan naman aniya ang positibong resulta sa Boracay.
Dahil dito, pinayuhan ni Antiporda si Tañada na tumutok na lang sa kaniyang political agenda.