Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na samantalahin ng mga Filipino muslim ang mga reporma na ginawa ng Office of the President sa pamamagitan ng National Commission on Muslim Filipinos para sa mga pilgrim.
Halimbawa na aniya ang four-star hanggang five-star hotel accommodation para sa mga pilgrim taliwas sa mga substandard accommodation noong mga nakaranag taon.
Ayon kay Panelo, bunga kasi ito ng pakikipag-usap ng gobyerno ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Sinabi pa ni Panelo na nadagdagan na rin ang airlines na bumibiyahe sa Saudi Arabia.
Kung dati rati kasi aniya ay dalawang airlines lamang ang bumibiyahe sa Saudi Arabia. Ngayon ay tatlo na dahilan para makatipid ang isang pilgrim ng 11,000 hanggang 30,000 na pamasahe sa eroplano.
Tinanggal na rin aniya ang mga unauthorized at corrupt add-ons fees sa mga pilgrim.
Tinatayang aabot sa 6,000 hanggang 8,000 Filipino Muslims ang inaasahang makikiisa sa pilgrimage sa Necca sa buwan ng Agosto.