General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.9 na lindol; Lindol, naramdaman sa mga kalapit na lalawigan

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Surigao del Norte, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 43 kilometers Southest ng General Luna dakong 2:50 ng hapon.

May lalim itong 9 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities sa kalapit-bayan:
Intensity 4 sa General Luna at Burgos, Surigao del Norte
Intensity 3 sa Tandag, Surigao del Sur
Intensity 2 sa Butuan City, Mainit, Surigao del Norte at San Francisco, Southern Leyte.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...