Pinoy at Chinese, timbog dahil sa pamemeke ng dokumento sa Pasig

Inquirer file photo

Arestado ang isang Pinoy at kasintahang Chinese national dahil sa umano’y pamemek ng mga dokumento sa negosyo sa Pasig City.

Ayon kay Police Insp. Virgilio Cayetano, naaresto ang Chinese na si Wen Du ng Pasig police kahapon habang nahuli naman ang nobyong si Jeremy Ilagan ngayong Miyerkules.

Ani Cayetano, pinepeke ng dalawa ang OR/CR at deed of sale ng mga binebentang sasakyan.

Napag-alamang peke ng mga dokumento makaraang maaksidente ang binentang sasakyan noong nakaraang taon.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng binayad ng biktima sa mga suspek.

Sa ngayon, ang magkasintahan ay nasa kustodiya na ng Pasig police.

Read more...