Pinay actress Crisel Consunji, nominado sa 2019 Hong Kong Film Awards

Nakakuha ang Filipino actress na si Crisel Consunji ng dalawang nominasyon sa 2019 Hong Kong Film Awards.

Nominado si Crisel sa dalawang major categories na Best Actress at Best New Performer para sa pelikulang “Still Human.”

Ginampanan ni Crisel sa naturang pelikula ang role bilang isang Filipino domestic worker na isinantabi ang pangarap para alagaan ang paralisadaong Hong Kongese.

Maliban sa dalawang major categories, nominado rin ang “Still Human” sa Best Film, Best Actor, Best Screenplay, Best Director at Best Supporting Actor.

Si Crisel ay singer/actress na lumipad patungong Hong Kong noong 2088.

Naging lead vocalist din si Crisel sa Disney Hong Kong.

Maliban sa pagiging aktres, co-founder si Criel ng Baumhaus Creative Arts Family Centre.

Read more...