Nagdeklara na ng dengue outbreak si Kawayan, Biliran Mayor Rodolfo Espina Sr. dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit sa lugar.
Mula kahapon, araw ng Martes, nasa walumpu’t isang kaso na ang naitala sa sampung barangay sa probinsya.
Sa isang panayam, sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Christine Balasbas na pinakamarami sa Barangay Mapuyo na may apatnapu’t dalawang kaso ng dengue.
Sumunod sa nasabing bilang ang Barangay Tucdao na mayroong labing-dalawang kaso ng nasabing sakit.
Gayunman, sinabi ni Balasbas na marami nang gumaling sa walumpu’t isang kaso.
Sa ngayon, labing-limang pasyente pa ang nananatili sa Rural Health Unit.
Ipinag-utos na rin ng nasabing opisyal ang malawakang paglilinis sa kapaligiran para puksain ang mag lamok na nagdudulot ng dengue.