Isa na namang bata nasawi sa Cebu dahil sa tigdas

Isa na namang bata ang nasawi dahil sa sakit na dengue sa sa Cebu.

Ayon sa Department of Health – Central Visayas (DOH-7), isang dalawang taong gulang na bata ang nasawi na residente ng bayan ng Pinamungajan.

Dahil dito, umakyat na sa tatlo ang nasawi dahil sa tigdas sa Cebu ngayong taon ng 2019.

Ayon sa DOH-7, may pagtaas na kaso ng tigdas sa buong Central Visayas, kung saan mayroon na silang naitalang 169 na kaso mula Jan. 1 hanggang Feb. 12.

Sa nasabing bilang, 119 ay mula sa Cebu.

Sa Negros Oriental naman, mayroong 39 na kaso ng tigdas habang 10 sa Bohol.

Read more...