Pulis-Makati patay sa pananambang

Contributed Photo

Nasawi makaraang tambangan ang isang pulis-Makati habang sakay ng kaniyang kotse sa boundary ng Maynila at Makati City, Miyerkules (Feb. 13) ng umaga.

Kinilala ang biktima na si SPO1 Reynaldo Jimenez na nakatalaga sa warrant section ng Makati City police.

Ayon sa mga otoridad, naisugod pa sa ospital ang biktima pero nasawi din kalaunan.

Papasok sana sa kaniyang trabaho si Jimenez nang siya ay tambangan ng riding-in-tandem.

Aabot sa sampung basyo ong bala ng baril ang nakuha sa crime scene.

Patulyo pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...