Lalaki patay sa buy-bust sa Batangas

Police banner
Patay ang isang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation sa Sto. Tomas, Batangas.

Ang suspek ay kinilalang si Eduardo Mendoza.

Ayon sa Calabarzon police, ikinasa ang operasyon alas-2:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Feb. 13) sa Barangay Sta. Elena.

Nauna umanong nagpaputok si Mendoza kung kaya’t napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek.

Namatay agad ang suspek dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Nakatakas naman ang hindi pa nakikilang kasamahan ng suspek gamit ang motorsiklo.

Read more...