Sa February 15 nakatakdang mag-lapse into law ang naturang panukala maliban na lang kung i-veto ito ng pangulo.
Sa ilalim ng panukala, pagagaanin ang mga polisiya sa rice importation.
Naratipikahan sa Senado ang panukala noong Nobyembre.
Aalisin na ang quantitative restrictions sa pag-aangkat ng bigas kapag naipasa ang panukalang batas.
Kailangan naman ng private importers na kumuha ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry at magbayad ng 35-percent tariff para sa shipments ng bigas mula Southeast Asian countries.
MOST READ
LATEST STORIES