Paliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno, iniimprenta pa lang ang kopya ng naturang panukala.
Natatagalan aniya ito dahil aabot sa 5,000 pahina ang budget.
Pitong araw matapos makuha ang kopya ay saka pa lang maglalabas ang DBM ng statement of difference sa kung ano ang iniba ng Kongreso sa inisyal na budget proposal na ipinasa ng pangulo noong kanyang State of the Nation Address (SONA).
Iisa-isahin aniya nina Diokno ang kada linya sa budget para mabigyan ng kaukulang rekomendasyon si Pangulong Duterte kung may kailangan i-veto sa budget.
Dahil dito, sinabi ni Diokno na sa second quarter pa ng taong ito o sa buwan ng Abril pa maaring malagdaan ng pangulo ang 2019 national budte.
Mayroon namang 30-araw si Pangulong Duterte para pirmahan ang panukala.
Dahil 2nd quarter pa inaasahan ang budget, sabi ni Sec Diokno kailangan munang pagtiisan ang paggamit ng reenacted budget sa unang quarter ng taon kung saan wala munang masisimulan na mga bagong proyekto, at hindi pa maibibigay ang mga dagdag-sweldo sa mga kawani ng gobyerno.