LOOK: Traffic lights sa BGC hugis Kupido at hugis puso

Radyo Inquirer Photo

Ngayong bisperas ng Valentine’s Day sa halip na ordinaryong bilog lamang, binago ang hugis sa mga traffic lights sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ang mga traffic lights sa mga pangunahing lansangan sa BGC, naging hugis Kupido at hugis puso.

Kinaaaliwan ng mga motorista at mga pedestrian ang binagong hugis ng traffic lights.

Bagaman noong mga nakaraang taon, ginagamit na ng BGC ang hugis puso sa kanilang traffic lights kapag papalapit na ang araw ng mga puso, ngayon lamang sila gumamit ng hugis Kupido.

Noong nakaraang holiday season, ang mga traffic light sa BCG ay naging hugis Christmas Tree naman.

Read more...