Bagyong Marilyn, humina at bumilis – PAGASA

12186713_889903267786250_2933641847041911233_oBahagya pang humina pero bumilis ng kaunti ang bagyong Marilyn habang tinatahak ang Northeast direction.

Sa weather bulletin number 5 na inilabas ng PAGASA alas 11:00 alas onse ng umaga, huling namataan ang bagyong Marilyn sa 1,135 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at bugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Ang forecast direction nito ay Northeast sa bilis na 11 kilometers per hour.

Bukas ng umaga ay tinatayang nasa East ng Basco, Batanes ang bagyo; sa East northeast ng parehong lugar sa Huwebes ng umaga at inaasahang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng umaga.

Wala namang itinataas ang Pagasa na anumang storm warning signal.

Pinayuhan ang publiko at kaukulang disaster councils na antabayanan ang susunod na severe weather bulletin mamayang alas 11:00 ng gabi.

Read more...