Sa ikalimang pagkakataon, oplan galugad muling isinagawa sa bilibid

12193562_1067334716644242_2759600228788565449_n
FILE PHOTO/Ruel Perez

Sa ikalimang pagkakataon ay muling ginalugad ang National Bilibid Prisons, Martes ng umaga.

Gamit ang mga metal detectors ay ni-raid ng mga army explosive experts ang Quadrant 4 ng maximum security compound kung saan naroon ang Buildings 2, 5 at 9.

Makalipas ang halos limang oras na paggalugad ay nakumpiska ang iba’t-ibang armas at bladed weapons.

Ilan sa mga ito ay nakitang nakabaon sa hardin o itinago sa mga paso.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang galong-galon na fermented yeast o amag at mga bote ng alak.

Nakuha rin sa raid ang isang karaoke system, mga speaker at television sets at mga branded na alak.

May nakita ring mga chop-chop na bahagi ng motorsiklo, signal boosters, air conditioners, cellphones at mga aphrodisiacs.

Read more...