Isang unit ng grab taxi sinuspinde ng LTFRB

GRAB TAXISinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng isang Grab taxi na matapos ireklamo ng pasahero ang driver nito.

Hindi bababa sa 30-araw na suspension ang ipinataw ng regulatory board sa isang unit ng Teresita Transport Inc. ang operator ng inireklamong grab taxi unit.

Sa pagdinig ng LTFRB, nabigong dumalo ang kinatawan ng Teresita Transport Inc. gayundin ng inirereklamong driver.

Inirekomenda naman ng regulatory body sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin na ang lisensya ng driver na si Alfie Paloma.

Ayon sa abogado ng Grab Taxi, sinuspinde na nila ang accreditation ng sangkot na taxi unit habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Jonathan Barcelon na nag-post sa kanyang facebook account matapos umano siyang tangkaing hatawin ng tubo ni Paloma nang sila ay magtalo dahil sa ruta sa lungsod ng Pasay.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa December 9, 2015 ganap na alas 9:00 ng umaga.

Read more...